Thursday, October 14, 2010

Interview with Margie Paredes (Heather Padua)


Here is Erol Miranda’s (Barbatiano Murading) interview with Heather Padua (Margie Paredes):

Erol: Nandito naman po tayo sa isang segment ng ating programa ngayong tanghali, ang One on One with Kabayan. Mapapag-usapan natin ngayong tanghali ang tungkol sa Political Parties at party systems. Narito po ngayon ang ating political analyst na si Bb. Margie Paredes. Magandang tanghali Bb. Paredes.

Heather: Magandang tanghali din kabayan! Magandang tanghali rin sa mga televiewers.
Erol: Maganda po mga ginigiliw naming manonood ang talakayang ito sapagkat sa pulitika, marahil ay hindi magiging makulay ang ika nga’y mala-sabungang arena kung wala ang mga partido. Marge, maari mo bang paghiwalayin ang konsepto ng mga partido sa mga lapiang panlipunan?

Heather: Alam mo kabayan, marami sa ating mga kababayan ang nag-aakalang iisa lamang ang mga political parties at social movements. Well, maraming katangian ang makikitang magkatulad sa kanila, tulad na lamang ng istruktura at organisasyon, ngunit ito ang mga katangian na dapat taglayin ng mga partidong pampulitika. Una, ang layunin ng mga ito ay upang makatulong sa kanilang mga ka-miyembro na magkaroon ng pampublikong posisyon sa pamamagitan ng malinis at competitive na halalan. Ikalawa, hindi mga basta-basta ang mga miyembro ng mga partido sapagkat sila ay ika nga mga card-carrying members. Bukod sa kanilang ID ay binubuklod sila ng mga ideolohiyang kanilang pinapaniwalaan na isinusulong ng kanilang lapian. At huli, sila ay may concern sa mga malalawak na isyung panlipunan at madalas, kasama sa kanilang layunin ang maresolba ang mga ito.

Erol: Eh Marge, naman yung tinatawag na Party Systems?

Heather: Yung mga Party Systems ay dulot na lamang yan ng mga nagiging trend sa pulitika. Hindi natin maitatanggi na kaya makulay ito ay hindi lamang dahil sa mga araw-araw nating nakikita sa mga balita, kundi dahil na rin sa mga ginagawa ng mga partido. Napag-usapan na rin natin ang mga kulay, may tila sistemang monotonous. Ito yung one-party system na kung saan sa loob ng mahabang panahon, iisang partido lamang ang kumakatawan sa kabuuan ng gobyerno. Kung mayroon mang mga faction o maliliit na lapian ay kaagad itong parang nasusupil. Makikita natin ito sa mga bansang tulad ng Russia at China. Meron namang two-tone, o yung two-party system kung saan may dalawang partidong namumuno sa bansa. Tulad na lamang ng sa Amerika, kung saan ang mga Democrats sa pamumuno ni Barack Obama ang madalas na nasusunod at ang mga Republicans ang tumatayong oposisyon. Gayon din sa United Kingdom, kung saan ang Labour Party sa pamumuno ni PM Gordon Brown ang hinaharap ng mga Conservatives. Meron din namang nakiki-monotone ang tema. Ito yung tinatawag na dominant-party system. Halos katulad rin ito ng one-party system. Gayunpaman, mayroon pa ring tendency na mapalitan ang mga namumunong partido kahit na tipong formidable na sila dahil sa tagal ng kanilang inupo sa gobyerno. Tulad na lamang ng LDP ng Japan. At huli, ito ang pinakamakulay sa lahat: ang multi-party system. Ganito ang sitwasyon ng mga partido sa ating bansa. Kaya naman nasisiguro na mayroong kompetisyon sa pagitan ng mga partido at kahit papaano ay nagpupursigi ang mga ito na pagbutihan ang pagsulong ng kanilang mga adhikain at programa sapagkat dito nakasalalay ang batayan sa pagpili ng mga mamamayan ng mga lingkod-bayan. Dahil dito, nagkakaroon ng tila isang coalition government sapagkat nagmumula sa iba’t ibang partido ang mga nananalo.
 
Erol: Whoa, kabayang Marge, isa iyang magandang pagpapaliwanag. Sa iyong palagay, anung Party System ang nababagay sa ating bansa?

Heather: Kabayang Barbi, maraming salamat sa napaka-gandang tanong na iyan. Alam mo, ika nga ng aking guro sa UP na si Ginoong Jean Paul Zialcita, walang permanenteng tamang sagot sa mga katanungang tulad nito. Ang tao, habang tumatagal na kasama ang panahon, ay laging nagbabago ng katangian, mga kagustuhan, at pangangailangan sa buhay. Kaya naman ngayon, batay sa pagsasaliksik ng aking mga colleagues sa field, talagang tinataglay na ngayon ng tao ang pagiging kumplikado, kaya naman hindi maitatangging nagiging mas mahirap tayong i-govern. Lahat ng party systems ay may kanya-kanyang advantages at loopholes. Sa kahit saang bansa, walang pinakamagandang sistema kundi yung kung ano ang kinakailangan ng panahon at tao at panlipunang sitwasyon. Dito sa Pilipinas, kahit na tila ito’y magulo, ako’y pumapabor pa rin sa multi-party system sapagkat nasasalamin dito ang katangian ng ating bansa: iba-iba, pulo-pulo, marami, ngunit kapag ating pinagsasanib-lakas ay may kagalingang naipamamalas; kapag naman ating pinagka-clash, lumalabas rin ang ispiritu ng kahusayan sa pakikipag-kumpetensya sa positibong pamamaraan. Nakakalungkot lamang na umaabot sa marahas at malagim na mga pangyayari ang dapat sana’y pakikipagkumpetensya ng mga partido at pulitiko upang lumabas ang mga solusyon at kagalingang makapagpapa-asenso sa bayan. Sa huli, ay naniniwala pa rin ako na kahit anu pa mang party system mayroon tayo, ay dapat na magkaroon ng consensus mula sa mga tao. Naalala ko ang wika ng isa ko pang guro sa UP na si Gng. Grace Jamon, na kailangang magkaroon ng consolidation sa pagitan ng mga mamamayan sapagkat kapag sila’y nagkaisa sa pagtulong sa kung anu pa mang liderato ay hindi ito papalya.

Erol: Uy! Napakagandang sagot sa maganda kong katanungan. Mga ginigiliw na manonood, kung hindi niyo po naitatanong ay magkakaklase po kami ni Marge sa UP sa kursong Agham Pampulitika at naalala ko po ang mga magagaling naming guro noon tulad ni Dr. Grace Jamon. Mga kabayan, si Bb. Paredes. Maraming maraming salamat.

Heather: Isang karangalan kabayang Barbi!

No comments:

Post a Comment